Impeachment vs. Trump | WHITE HOUSE SA U.S HOUSE PANEL: WAIT LANG
NATANGGAP na ng White House ang liham ng US House Judiciary Committee hinggil sa pagkalap ng mga dokumento tungkol sa inilulutong impeachment laban kay US President Donald Trump.
Sa pahayag ni White House Press Secretary Sarah Sanders, rerebyuhin na ng Counsel’s Office at mga opisyal ng White House ang naturang sulat.
Gayunman, nakatakda umanong tumugon ang White House sa tamang panahon.
“The House Judiciary Committee’s letter has been received by the White House. The Counsel’s Office and relevant White House officials will review it and respond at the appropriate time,” ani Sanders.
Samantala, handa umanong makipagtulungan sa awtoridad si Trump at iginiit na walang nangyaring sabwatan sa pagitan nila ng Russia noong 2016 elections.
Una rito, ayon kay House Judiciary Committee Chairman Jerry Nadler, balak nilang humingi ng mga dokumento mula sa 60 indibidwal bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon hinggil sa umano’y pagkakadawit ng presidente sa korupsiyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.





Comments