Babala ng experts... KEMIKAL NA MATATAGPUAN SA SOFA, BAD SA HEALTH!


SA panahon ngayon, maraming indibidwal ang pinipiling magkaroon ng flame retardant na mga kagamitan dahil bukod sa siguradong matibay ito ay praktikal din. Pero, knows ba ninyo na ang mga kemikal mula rito ay pangmatagalan at may negatibong epekto sa mga bata? Hala!
Lumabas sa pag-aaral na ang semi-volatile organic compounds (SVOCs) sa mga kagamitan sa bahay ay may negatibong epekto sa kalusugan ng mga bata.
Ayon sa mga researcher, ang mga batang exposed sa gamit, partikular sa sofa na mayroong fire resistant foam ay mayroon umanong toxic chemical sa kanilang dugo at ihi kung saan 15 beses itong mataas kumpara sa mga batang hindi exposed sa kemikal.
Ang flame retardant chemical na polybrominated diphenyl ethers (PBDEs) ay nakaaapekto umano sa neurodevelopmental delays, gayundin, ito ay maaaring maging sanhi ng obesity, endocrine and thyroid disruption, cancer at iba pang mga sakit.
Gayunman, ilang pag-aaral din ang nagsagawa ng pagsusuri upang malaman kung paano nakapapasok sa dugo ng mga bata ang nasabing mga kemikal.
Ayon sa mga eksperto, ang mga tahanan na may mga kagamitan na fire resistant o flame retardant, gayundin sa pamilyang may toddlers ay may mataas na exposure sa kemikal.
Halimbawa ng flame retardants na kagamitan ay ang sofa, TV at basahan kung saan ang mga ito ay madalas na kinakapitan ng alikabok.
Ang phthalates ay isang uri ng kemikal na natatagpuan sa vinyl flooring at carpet kung saan ayon sa mga eksperto, ito ay nakaaapekto sa paraan ng fat storing na nagti-trigger ng obesity.
Samantala, isang pag-aaral ang sumuri ng mga sample ng indoor air, dust at foam mula sa mga kagamitan sa bahay ng bawat bata, gayundin ang hand wipe sample, ihi at dugo ng mga ito.
Sinukat ng mga researcher ang 44 biomarkers ng exposure mula sa iba’t ibang kemikal kabilang ang phthalates, organophosphate esters, brominated flame retardants, parabens, phenols, antibacterial agents and perfluoroalkyl at polyfluoroalkyl substances (PFAS).
Maliban pa rito, ang mga batang nakatira sa bahay na may vinyl flooring ay napag-alamang may concentrations sa benzyl butyl phtalate metabolite sa kanilang ihi kung saan 15 beses itong mataas kumpara sa mga batang walang vinyl flooring sa kanilang bahay.
Ayon sa mga eksperto, ang benzyl butyl phtalate ay may kaugnayan sa respiratory disorder, skin irritations, multiple myeolma at reproductive disorders.
Mga mamsh, dehins masama kung magiging praktikal tayo sa pamimili ng mga gamit, ngunit, mas okay kung aalamin nating mabuti kung saan gawa ang mga bagay na gusto nating bilhin. Mas praktikal pa rin kung ang kalusugan ni bagets ang una nating iisipin. Copy?





Comments