top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 canadians ‘nang-eespiya’ sa China

  • Jersey Sanchez
  • Mar 6, 2019
  • 1 min read

DALAWANG Canadian citizens ang inakusahan ng China ng pang-eespiya kasunod ng namumuong tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Kaugnay ito ng posibleng pag-extradite ng Canada sa isang top official ng Chinese telecommunications giant na Huawei patungo sa Estados Unidos.

Ayon sa awtoridad ng China, nagnakaw ng mga sikreto ng estado ang dating diplomat na si Michael Korvig na ibinigay umano sa mga foreign agent.

Gayundin, pinaghihinalaan ang Canadian businessman na si Michael Spavor na umano’y nagbibigay ng impormas­yon kay Korvig na kanya ring “important intelligence contact”.

Sa pahayag ng awtoridad noong 2017, madalas magtungo sa China si Kovrig gamit ang regular na pasaporte at business visa.

Noong Disyembre 2018, ikinulong ang dalawa matapos mahuli sa Canada si Huawei Chief Financial Officer Meng Wanzhou dahil sa fraud at paglabag sa kanilang kumpanya sa mga sanction na ipinataw sa Iran.

Samantala, umalma ang China dahil ang kaso kay Meng ay “abuse of the bilateral extradition treaty” sa pagitan ng Canada at US.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page