Sobrang na-stress daw sa movie nila ni Charo… BEA, KUMANTA KUNG BAKIT GUSTO NANG MAG-WALKOUT SA SHO
- BULGAR

- Mar 5, 2019
- 2 min read

SOBRANG stress pala ang inabot ni Bea Alonzo while filming her first horror film, Eerie, dahil by nature ay matatakutin daw siya at ito ang dahilan kung bakit hindi siya gumagawa ng ganitong klaseng pelikula.
May isang eksena raw na talagang napaiyak na lang siya dahil sa takot.
“‘Yung nakita n’yo sa trailer, ‘yung mga scenes na may flashlight,” kuwento ni Bea sa mediacon ng Eerie.
“Sa totoong buhay kasi, naglagay lang sila ng ibang ilaw du’n sa flashlight, wala nang ibang source of light kundi ‘yung flashlight sa mga eksena.
“So, imagine, hawak ko ‘yung flashlight, sobrang pitch black ‘yung dadaanan ko. Tapos ‘yung eksena, kailangan, bubuksan ko ‘yung pinto, tapos may hahanapin ako.
“And then, takot na takot ako kasi bago pa ako makarating du’n sa pintong nakasara, nagbukas ang pinto on its own, so hindi ko talaga kinaya. Ayoko nang gawin,” kuwento pa ni Bea.
Sobrang na-stress daw siya talaga at napaiyak sa takot lalo nang wala namang makapagpaliwanag kung bakit biglang nagbukas ang pinto.
Pero sey ni Direk Mikhail Red, may mga scenes daw talaga na nagtanim sila ng iba’t ibang elemento na hindi sinasabi kay Bea para makuha ang authentic reaction ng aktres.
“Basta panoorin n’yo, mahirap i-explain,” sey pa ng direktor.
“Imagine kung ano’ng stress level ang inabot ko,” sey pa ni Bea.
Tinanggap ni Bea ang pelikula dahil sa ganda ng script ng Eerie at ang oportunidad na makasama sa pelikula ang Asia’s Best Actress at former president ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio.
“Parang I just couldn’t say no and siguro, parang naisip ko, baka ito na ang tamang pagkakataon na gumawa ako ng kakaibang pelikula.”
Ang Eerie ay nauna nang ipinalabas sa Singapore International Film Festival noong Disyembre, 2018.
Ito rin ang first horror film ni Red na naging kilala sa pagdidirehe ng Birdshot matapos nitong humakot ng iba’t ibang parangal tatlong taon na ang nakalilipas.
Ang pelikula ay tungkol sa misteryo sa likod ng sunud-sunod na pagkamatay ng mga estudyante ng Sta. Lucia Academy, a conservative all-girls Catholic high school.
Sa kagustuhan ng guidance counselor na si Pat (Bea) na lutasin ang kaso, paghihinalaan niya ang punong-gurong si Sol (Charo) as the culprit.
Kasama rin sa movie sina Jake Cuenca, Maxene Magalona-Mananquil, Gillian Vicencio, Mary Joy Apostol and Gabby Padilla.





Comments