top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung maparurusahan dahil kasal sa ibang babae ang kanyang asawa kahit huli na nang malaman ito

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Isa akong kawani ng gobyerno at nag­karoon ako ng tatlong anak sa lalaking iki­nasal na pala sa ibang babae. Nalaman ko lamang na kasal na nang mailuwal ko ang aming pangalawang anak. Nais kong ma­laman kung maaari ba akong maparusa­han dahil dito? —Remina

Dear Remina,

Para sa inyong ka­alaman, angkop sa inyong sitwasyon ang kasong Concerned Employee vs. Glenda Espiritu Mayor, et al. (A.M. No. P-02-1564, 23 December 2004, Ponente: Honorable former Associate Justice Dante O. Tiñga) kung saan sinabi ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema na:

“Had respondent desisted from continuing her affair with Leao after learning he was married, this would have exhibited not only prudence on her part, but also a willingness to respect a legal institution safeguarded by our laws and the Constitution. Yet her persistence in maintaining sexual relations with Leao after that revelation instead manifests a willful subversion of the legal order, a disposition we are unwilling to condone, even if avowed in the name of love. The Court, like all well-meaning persons, has no desire to dash romantic fancies, yet in the exercise of its duty, is all too willing when necessary to raise the wall that tears Pyramus and Thisbe asunder.” [Binigyang-diin.]

Samakatwid, kung mapatutunayan sa inyong sitwasyon na ipinagpatuloy pa rin ninyo ang pakikipag-ugnayan sa ama ng inyong mga anak kahit pa nalaman na ninyo ang kanyang kalagayan, maaari kayong mapana­got sa pagsuway sa ali­tuntuning pangalagaan ang imahe at ipinagla­la­ban ng inyong intitus­yong pinapasukan sanhi ng inyong bawal na pakikipagrelasyon. Gayun­man, titimbangin pa rin ng hukuman kung sakali ang lahat ng sir­kumstansiya na nangyari sa inyong sitwasyon bago pa man ito magpataw ng naaayon na penalty para rito.

Nawa ay nasagot namin ang inyong kata­nungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay naka­base sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkaka­intindi namin dito. Maa­aring maiba ang opinyon kung mayroong karag­dagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page