top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kahit 30 na… GERALD, ATRAS PA RING PAKASALAN SI BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MARAMI ang nagulat sa ginawang pagpo-post ni Bea Alonzo sa unang pagkakataon ng litrato niyang naka-two-piece swimsuit. Isa na rin sa mga ‘di makapaniwala sa ginawa ng aktres ay ang BF niyang si Gerald Anderson.

Kuwento ni Gerald, “Nakita n’yo, nakakagulat! Pati ako, nagulat, eh (laughs). But I think, ‘yung message niya ru’n sa ipinost niya is just ‘yung huwag tayong mahiya, huwag tayo ma-pressure or huwag tayo magpadala sa sasabihin ng ibang tao.”

Bukod sa pagiging supportive nila sa career ng isa’t isa, ikinuwento rin ng aktor ang ginagawa nila ni Bea araw-araw, ang pagdyi-gym na naging bonding na rin nila as a couple.

“Yeah, almost everyday na rin siya. Meron silang all girls group kasi meron kaming ganu’ng workout for mga girls. Siyempre, iba-iba ‘yung goals ng bawat tao, so yeah, sob­rang supportive siya. Sobra!

“Dito na ‘yung naging bonding namin actually, sa totoo lang. And it’s good kasi it’s a win-win situation, ‘yung nagsasama kami, may mga nakikilala kami na ibang tao at naging healthy kami at the same time,” kuwento ni Gerald.

Ikinuwento rin ni Gerald kung gaano siya ka-proud kay Bea sa pagiging strong and independent woman ng aktres.

Aniya, “She is a superwoman in her own way and para sa maraming tao kasi, ‘yung drive para ma-reach rin ‘yung goals niya, ‘yung paninin­digan niya and ‘yung pagiging strong woman niya, and ‘yung strong image for women, na kung may pangarap ka, basta work hard, mararating mo.”

Sa kabila ng pagiging seryoso ng kanilang tahimik na relasyon, para kay Gerald ay hindi na rin nalalayo ang pagpaplano niyang lu­magay sa tahimik at pakasalan si Bea. Pero sa edad na 30 ay inamin niya na iba pa rin ang kanyang priority at marami pa siyang kailangang maabot na personal goals.

“Para ‘pag dumating ‘yung time na magpakasal ako, tapos na ‘yun at makapag-focus ako sa family time at baby time and sa asawa ko,” paliwanag ni Gerald.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page