top of page

Dagat na kulay green

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Neng ng Neng_Bolina@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na may dagat, tapos kulay green ‘yung dagat?

Naghihintay,

Neng

Sa iyo Neng,

Ang dagat, iha, ay simbolo ng paghahangad ng tao na makipagsapalaran sa malayo. Ang totoo nga, noon pa man ay inilalarawan na ng mga dakilang alagad ng sining na ang taong nakatingin sa malayo habang siya ay nasa tabindagat, ito ay para mabigyang-diin niya ang kanyang mga pangarap.

Ang kanyang pangarap ay ang makipagsapalaran sa malalayong lugar at ang obra-maestra ng mga dakilang alagad ng sining ay hindi simpleng bagay lang dahil ito ay naglalarawan din ng mga kaganapan na sinasabi rin ng likhang-sining.

Kapag ang tao ay kuntento na sa buhay, hindi na siya makikipagsapalaran. Kapag ang tao ay masarap ang buhay o nagtatamasa ng kasaganahan, wala ng dahilan para siya ay makipagsapalaran sa malalayong lugar.

Kung masaya siya kung nasaan siya, bakit pa niya papangarapin na magpunta sa malalayong lugar?

Sa panahon ngayon, hindi maikakailala na ang mga tao ay gustong mag-abroad para gumanda ang buhay dahil kung maganda naman ang buhay nila rito, eh, bakit pa siya magtatrabaho sa abroad.

Ang pangunahing dahilan ng pag-aabroad ay para kumita ka ng pera dahil dito sa atin mahirap ang buhay, wala makain at wala pang pera ang mga tao.

Kaya kulay green ang dagat sa panaginip mo, ito ay nagsasabing kaya mag-aabroad ang tao ay dahil gusto nilang magkapera na dolyar.

Sa madaling salita, ang panaginip mo ay nangangahulugan na gusto mong makapag-abroad.

Kaya ikaw ay maibibilang sa mga taong papalarin sa pangingibang-bansa.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page