23 patay sa magkakasunod na tornado
Jersey Sanchez
Mar 5, 2019
1 min read
BINAWIAN ng buhay ang 23 katao matapos manalasa ang malalaking mga tornado sa southeastern Alabama.
Batay sa impormasyon, ang mga nasawi ay pawang residente ng Lee County na malapit sa border ng Georgia.
Ayon sa Lee County Emergency Management Agency, magkakasunod na tumama ang 12 tornadoes sa naturang lugar.
Gayunman, ayon kay Lee County Coroner Bill Harris, patuloy pang inililigtas ang mga residente na naapektuhan ng insidente.





Comments