top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pahiwatig na magiging maganda ang kapalaran sa pamamagitan ng bigas

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Mhie Chelle ng Mhie_Chelle@face book.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng bigas sa panaginip? Thank you!

Naghihintay,

Mhie Chelle

Sa iyo Mhie Chelle,

Simpleng tanong lang tungkol sa bigas ang mensahe para sa iyo.

Kaya narito ang ilang kahulugan ng bigas kapag napananaginipan ito:

1. Kung nagbabalak kang magnegosyo, bigas ang itinda mo.

2. Kung sa mga araw na napanaginipan mo ang bigas ay problemado ka sa buhay dahil maliit ang kita mo, ang sabi ng iyong panaginip ay unahin mo ang pagkain mo kaysa sa iba pang mga bagay na gusto mong magkaroon ka.

3. Kung nalilito ka kung sino ang pipiliin mong makarelasyon, ang sabi ng panaginip, hindi importante kung guwapo at ang isipin mo ay kung mapakakain ka nito.

4. Kaya unahin mo ang laman ng iyong tiyan kaysa sa iba pang mga bagay.

5. Kung sa mga araw na napanaginipan mo ang bigas ay minamalas ka, ang sabi ng panaginip mo ay huwag ka nang bumili ng kung anu-anong lucky charm dahil bigas lang ang iyong kailangan.

6. Magsaboy ka ng bigas bago pumasok sa pintuan ng inyong bahay.

7. Magsaboy ka rin ng bigas sa loob ng bahay.

8. Kumuha ka ng munting palayok at lagyan mo ito ng bigas.

9. Bumili ka ng bigas na sobra-sobra sa pangangailangan mo, kumbaga, dapat hindi sagad na mauubos ang bigas sa lalagyan ninyo sa bahay.

10. Ang powder na bigas ay isa ring mabisang panlaban sa mga masasamang espiritu, kaya ilagay mo ito sa maliit na tela at dalhin mo ito kahit saan ka magpunta nang sa gayun ay hindi ka lapitan ng mga negatibong puwersa.

Marami pang kahulugan ang bigas sa panaginip, pero sa ngayon, ito Magandang araw, mga Kabulgar! Available pa rin ang ika4 na aklat ‘Ang Sikreto ng iyong Kapalaran’ ni Maestro Honorio Ong. Sa mga nais magkaroon ng Book 4, magtungo lang po sa opisina ng Bulgar sa 538 Quezon Avenue, Quezon City (in front of Sto. Domingo Church) mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 AM-5:00 PM, holiday/Linggo, 1:00-5:00 PM. Limited copy lang po. Maraming salamat! ang mensahe na dapat mong sundin upang gumanda ang iyong kapalaran.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page