Malinaw ayon sa birthday... BADING NA NAKATAKDANG MAKATULUYAN ANG NILILIGAWANG LALAKI
- BULGAR

- Mar 4, 2019
- 2 min read
Dear Maestro,
Ako ay bading at may nililigawan akong lalaki ngayon. Maganda naman ang ipinakikita niya sa akin, kaya feeling ko ay may pag-asa ako sa kanya.
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung tama kaya ang kutob ko na may pagtingin din sa akin ang lalaking nililigawan ko ngayon na isinilang noong October 29, 1990 at November 7, 1990 naman ako?
Umaasa,
Raniell Tala ng Rizal, Laguna
Dear Raniell,
Ayon sa pag-aanalisang Astro-Numerology, magkatugma kayo ng lalaking nililigawan mo dahil kapwa kayo nagtataglay ng zodiac sin na Scorpio kung saan dahil parehong Scorpio ang zodiac sign ninyo, kapwa kayo pinaghaharian ng elementong tubig o water sa ruling planet na Mars.
Habang, ayon sa taglay ninyong mga numero, sinasabing pareho kayong nagtataglay ng weak number na 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) ng nililigawan mong lalaki at 7 naman ang birth date mo na isa ring weak number. Ibig sabihin, walang pag-aalinlangang sa pagsusuring Astro-Numerology, tugma talaga kayong dalawa.
Kaya, kung wala naman siyang girlfriend at sabi mo nga ay maganda o positibo naman ang ipinakikita niya sa iyo, ituloy mo lang ang iyong panliligaw dahil posibleng sa bandang huli ay makursunadahan ka rin niya higit lalo kung ang nililigawan mong lalaki ay madalas mong mapansing mahilig magsuot ng mga kulay puti, itim at pula.
Ang kulay itim at pula kasi, lalo na kung ito ay madalas isuot na magkakumbinasyon ay nagbabadya ng unconscious immorality kung saan huwag na nating i-deny na sa sandaling nagkarelasyon kayong dalawa at nagmahalan, maliwanag na ang nasabing relasyon ay mapabibilang sa tinatawag na immoral love affair dahil nga kapwa kayo lalaki at sa kasalukuyan ang relasyong same sex ay hindi lubusang tinatanggap sa kulturang kinalakihan sa ating bansa.
Gayunman, kahit na sabihin pang lihis sa kabutihang-asal ang nasabing relasyon, ayon sa iyong Love Calendar, hindi matatapos ang taong 2019, sa edad ninyong 29, tiyak ang magaganap, magiging “nobyo” mo na rin sa wakas ang nasabing lalaki upang habang lumalapit ang kapaskuhan 2019 ay itatala ang pinakamasayang Pasko sa kasaysayan ng inyong love life.




Comments