Kung maaaring ilipat ng beterano ang natatanggap na old-age pension sa sinuman sa kanyang pamilya
- BULGAR

- Mar 4, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari bang ilipat ang old-age pension na natatanggap ng beterano ng Vietnam war sa sinuman sa kanyang pamilya? — Pablo
Dear Pablo,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Section 2 ng Republic Act No 11164 o mas kilala bilang “An Act Increasing the Monthly Old-Age Pension of Senior Veterans” kung saan nakasaad na:
“SEC. 2. Increase in Old-Age Pension of Senior Veterans. – The oldage pension of veterans of World War II, Korean and Vietnam wars shall be increased to twenty thousand pesos (P20, 000) per month: Provided, That the veterans of Korean and Vietnam wars are not receiving pension from the Armed Forces of the Philippines (AFP): Provided, further, That the entitlement to increase in old-age pension shall be limited to the eligible living senior veterans and shall not be transferable to any family members and/or dependents of the senior veterans.”(Binigyangdiin)
Maliwanag sa nabanggit na batas, hindi maaaring ilipat ng mga beterano ng World War II, Korean at Vietnam wars sa sinumang miyembro ng kanilang pamilya at dependents ang old-age pension na kanilang natatanggap.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments