HOROSCOPE | MARSO 4, 2019 (Lunes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 4, 2019 (Lunes): Kahit gaano karami ang mga pangarap mo, mapasasaiyo ito. Kaya huwag kang hihinto kapag may isa o dalawang pangarap ka nang nakuha. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pinatatag pa ang iyong kabuhayan, kaya mapapansin mo na marami kang gustong pasuking proyekto na alam mong para sa ikabubuti mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips lotto-9-10-23-28-34-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa may pangarap at magkakaroon ka rin ng pangarap. Dumikit ka sa mga nagtatagumpay at ikaw din ay magtatagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-12-14-24-39-44.
GEMINI (May 21- June 20) - Ihinto mo ang ibang tinutukan mo, ituon mo sa iyong hangarin nang mayroong kasiglahan at sigasig. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran para bumilis pa ang iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-15-16-20-21.
CANCER (June 21- July 22) - Isang hakbang paatras at dalawang hakbang pasulong, sa ganito, hindi na makahahabol sa iyo ang iyong mga karibal at kakumpitensiya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-13-27-30-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ngayon ang masusunod, pero puwede rin na ikaw ang maging tagasunod. Mas makabubuti sa iyo ang una na ikaw ang magmamando upang makita ang galing at husay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-22-24-37-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aangat ka, kaya ang payo ay huwag ka munang makuntento. Hindi dapat masayang ang araw na ito kung kailan pabor na pabor sa iyo ang mga biyaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-20-23-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit gabi ay may negosyong umaasenso. Ipinaalala sa iyo ng iyong kapalaran na kahit madilim ang buhay ng tao ay puwedeng-puwede pa rin niyang paunlarin ang kanyang buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-16-23-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagsimula ang lahat sa wala. Kaya mali ang iyong akala na dahil wala kang puhunan ay hindi ka yayaman. Ito ang ilagay mo sa iyong isipan dahil ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-21-23-38-40-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibinalik ng langit ang mga araw kung kailan hawak mo ang iyong kapalaran. Kaya puwedeng-puwede mong makuha ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-25-37-41-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong palagpasin ang araw na ito na masuwerteng panahon para simulan ang mga proyektong mag-aangat ng iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-12-29-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong sayangin ang mga kaloob sa iyo ng malapit sa puso mo. Gamitin mo ito sa pagpapaganda ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-15-28-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nasa sa iyo, paramihin mo ito. Kaya kung ano ang hawak mo, huwag mo itong bawasan, magagawa mo ito dahil may suwerte ka sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-17-23-35-40.




Comments