top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bukod sa dehins ito nakapapanis ng laway, lodi... 5 BENEFITS sa PAGKAKAROON NG KAUSAP

  • Donna Thea Topacio
  • Mar 4, 2019
  • 1 min read

MASYADO ba kayong mahiyain at ayaw ninyo na nakikipag-usap sa iba? Naku, for sure, magbabago ang attitude ninyo, lalo na kapag nalaman ninyo ang mga benepisyong maidudulot ng pakikipag-usap sa ibang tao:

1. IT PROMOTES FAST GROWTH FOR THE INDIVIDUAL. Kapag marunong kang makipag-usap sa tao, mas bibilis ang pag-grow mo bilang indibidwal dahil mas natututo kang makisama at makibagay.

2. IT MAKES HIM SOCIALLY ACTIVE. Of course, kapag alam mong may mga taong gusto kang makasama o makausap, eh, nagiging active ka, ‘yung tipong palagi kang naka-online sa social media, may load, may lakad at maraming kaibigan na hindi John Michael ang pangalan, sa madaling salita, nand’yan lang kapag may kailangan. He-he-he! Lol!

3. IT MAKES YOU EXPRESSIVE. Mahirap naman maging expressive nang mag-isa dahil baka isipin ng iba ay baliw ka. Kaya mas oks kung matututo rin tayong makihalubilo sa iba, hindi naman sila nangangagat kaya, push! Okie?

4. IT BOOSTS SELF-CONFIDENCE. Dahil alam mong may mga kaibigan kang nakasuporta sa iyo, kahit gaano pa ka-epic ang talent mo, ‘wapakels dahil para sa kanila, ikaw ang winner at napakagaling mo kahit sa totoo lang, dehins naman! Char!

5. IT HELPS YOU TO BE APPRE­CIATIVE. Kapag may nakakasama ka, mas nagiging appreciative ka sa paraan na naa-appreciate mo ‘yung hitsura, fashion style at ugali nila. Kaya kung mahiyain ka, matuto kang mag-reach out. Copy?

Oh, ayan, hindi sa sinasabi nating maging madaldal kayo, pero parang ganu’n na nga, char! Basta huwag kayong magsolo para mas ma-enjoy ninyo ‘yung buhay habang bata pa kayo.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page