Bagay daw sa kanila ang maging ahente at pulitika... LIKAS NA PAG-UUGALI NG DRAGON NA MAG-AAHON SA K
- BULGAR

- Mar 4, 2019
- 3 min read


SINASABING bihirang-bihira sa mga taong isinilang sa Year of the Dragon ang hindi nagtatagumpay sa anumang gawaing kanilang ginagawa dahil sa unang araw pa lang ng kanilang pagsilang ay biniyayaan na sila ng langit ng suwerte at magagandang kapalaran.
Kadalasan ay masuwerte ang mga Dragon, kaya lang, kung minsan, ito ay kanilang nasasayang dahil naiuukol nila ang kanilang resources, husay at galing sa walang kabuluhang mga bagay.
Pero, kung ang Dragon ay makapag-aasawa ng masinop na Daga o kaya ay tusong Ahas na titipirin at itatago ang kanyang suwerte, tiyak na ang Dragon ay hindi lang yayaman kundi marami rin siyang maiipon at maipupundar na kabuhayan.
Hindi kasi puwedeng manatiling nag-iisa ang Dragon sa kanyang buhay o kaya ay hayaan na lang na ang Dragon ang siyang nagdedesisyon o nagma-manage ng kanyang kabuhayan dahil sa simula lang ito maganda, pero, kapag tumagal ay sasayangin lang din ng Dragon ang materyal na bagay na darating sa kanya hanggang sa bandang huli ay tuluyan din itong masimot at maubos.
Kaya ang matatag, masinop, nagpupundar na pamilya na magiging papel ng magiging babae o lalaking kanyang mapapangasawa, sa ganu’ng paraan lamang tatamasahin ng Dragon ang panghabambuhay na kasaganahan at ligaya, sa partikular sa aspetong pananalapi at materyal na bagay.
Sabi nga, sa aklat na Chinese Elemental Astrology ni E.A. Crawford, “Although, the Dragon is entrepreneurial and pioneering, his road to fortune is sure to be marked be both great success and spectacular failure.”
Ibig sabihin, oo nga, pinagkalooban ang mga Dragon ng kakaiba at pambihirang mga tagumpay, lalo na sa negosyo at materyal na bagay kung saan kahanga-hanga ang kanyang suwerte at magandang kapalaran, sa kabila nito, kapag sumablay, kagulat-gulat din ang pagbagsak ng kanyang kabuhayan.
Kaya tulad ng nasabi, kung ikaw ay Dragon, asahan mong maraming bigla at hindi inaasahang suwerte na darating sa iyong buhay, hindi lang maliit kundi malalaki talaga, pero ang pinakamainam mong magagawa sa mga suwerteng ipagkakaloob sa iyo ng langit ay alagaan, tipirin at palaguin mo ito.
Ibig sabihin, huwag mong bulagsakin at aksayahin, sa ganu’ng paraan, tulad ng nasabi na, sa panahon ng iyong pagtanda, mapananatili mo ang asensado, marangya at masarap na pamumuhay sa piling ng iyong mga anak at magiging mga apo.
Sinasabi ring maraming mga tagahanga ang mga Dragon, lantad man ito o lihim. Kumbaga, hindi lang likas na suwerte ang taglay ng kanilang personalidad kundi taglay din nila ang mapang-akit na awra, kaya maraming nagkakagusto sa kanila nang hindi naman nila gaanong pinapansin dahil ang Dragon kung minsan ay may pagkaisnabera at akala mong suplada, pero sa kaibuturan ng kanilang puso ay sadyang natural na mababait naman talaga sila.
Karamihan din sa mga Dragon ay mahusay mangumbinse kung gugustuhin talaga nila, kaya kahit na ano ang ialok nila, halimbawa ay nag-alok sila ng lupa na nasa gitna ng ilog, basta ginusto nila itong maibenta, tiyak na magagawa nila itong ibenta at hindi lamang ‘yung lupa sa gitna ng ilog ang maipagbibili nila, dagdag pa rito, bukod na makakabenta pa sila ng bangka.
Ang kahusayang ito sa pag-aalok ng Dragon ay maaari niyang magamit sa career na may kaugnayan sa pagkumbinse sa mga tao tulad ng pulitiko, puwede rin siyang maging trader kung saan babaratin niya sa murang halaga ang mga kalakal at maibebenta niya ito nang mahal. Puwede rin sa kanya ang mag-ahente ng lupa at maging leader.
(Itutuloy)




Comments