Alam na, Jessy! LUIS, AMINADONG NATATAKOT MAGPAKASAL


MASASABING isa sa pinaka-in demand na product endorsers at TV hosts ngayon si Luis Manzano.
Napapanood si Luis bilang host ng Minute To Win It weekdays (bago mag-TV Patrol) sa ABS-CBN. Tuwing Sabado at Linggo ay host naman siya ng World of Dance Philippines at A.S.A.P. Natin ‘To.
Sa kanyang mga endorsements, nandiyan ang sikat na brand ng noodles, chocolate bar, pizza house at detergent soap. Ganyan ka-in demand si Luis.
Pero bukod sa pagiging busy niya bilang host at endorser, may mga inaasikaso rin siyang ilang businesses gaya ng kanyang LBR fleet of taxi. Kaya’t walang dudang milyonaryo at an early age si Luis.
“Akala n’yo lang mayaman ako… akala n’yo lang,” natatawa nitong pagkontra.
Paliwanag niya, “I’m very blessed, pero sabi ko nga, if people understand the industry, I’m not saying na I’m not well compensated (as TV host), pero iba ang bayad sa isang leading man kumpara sa TV host sa maniwala kayo o hindi.”
Aminado si Luis na komportable siya sa buhay, pero ‘di raw katulad ng iniisip ng marami na sobrang yaman.
“Hindi ako ‘yung iniisip n’yo na parang… ‘di ba, ‘yung sobrang yaman?”
Hindi naman itinanggi ni Luis na meron siyang mga businesses pero may mga kasosyo raw siya rito.
“Yeah, I have a few, pero hindi siya ‘yung parang… We have this notion kasi na ‘pag host ka, eh, sa ‘yo ‘yung (malaking TF). Iba talaga ang TF ng the hottest leading man na kinakikiligan sa isang simpleng host.
“I’m just saying na baka we have this notion kasi na… kasi for example, naririnig ko kung magkano ‘yung TF niyan, pero sa inyo ‘yan, ito ‘yung sa akin,” katwiran ni Luis.
Aminado rin ang magaling na TV host na dahil sa pagpapayaman kaya nadi-delay pa ang plano nilang pagpapakasal ni Jessy Mendiola. Pera muna bago si Jessy?
“‘Yun ang number one actually, nag-iipon pa talaga ako. Kasi ‘di ba, madaling magpakasal, sobrang dali, pero ‘pag inilatag mo na at may pamilya na kayo, especially ngayon na mahirap ang buhay, medyo nakakatakot.
“Okay fine, maganda ang buhay natin nang mga ilang taon, pero paano kung may mangyari, ‘di ba? I want to be able to provide a life na I believe I and my family would deserve,” makahulugan niyang sagot.
Ipinagmalaki rin ni Luis na may bagong business siya ngayon. Balak yata niyang palitan si Joel Cruz as ‘Lord of Scents’.
“May scent company (perfume) na ako. It’s called Lucky & Lulu. May dalawang kiosk na kami sa SM Bacoor, SM BF and we’re hoping na dumami pa at maglalabas pa kami ng marami pang products,” masayang kuwento ni Luis.





Comments