Tulak todas sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Mar 3, 2019
1 min read
CABANATUAN CITY—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Kapitan Pepe sa lungsod na ito.
Nakilala ang suspek na si Felipe Malubay, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na darakpin ng pulisya si Malubay, pero bigla itong nanlaban at pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments