Peru, niyanig ng magnitude 7
NIYANIG ng Magnitude 7 na lindol ang Peru, kamakalawa.
Ayon sa U.S. Geological Survey (USGS), tumama ang pagyanig sa Andes Region.
Batay sa impormasyon, namataan ang episentro ng lindol sa lalim na 257 kilometro.
Gayunman, naitala ang pagyanig 27 kilometro northeast sa bayan ng Azangaro malapit sa border sa Bolivia.
Samantala, ayon sa National Emergency Operations Center, ilang ulat ang kanilang natanggap na may mga batong nahulog sa mga kalsada ngunit, walang detalye tungkol sa nasaktan o nasirang ari-arian.





Comments