top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pag-asa ni: Frenz

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2019
1 min read

Hindi alam kung paano magsisimula,

nahihirapan ang puso na ika’y mawawala.

Sana, maibalik ang dating pagsasama,

‘yung hindi kumplikado, pero masaya.

Paano na ngayon kung may kani-kanya na tayong responsibilidad?

Mahirap isipin kung hindi na kita makakausap.

Unti-unting nahuhulog ang aking loob.

Oh, Diyos ko, bigyan Mo ako ng pagkakataon.

Pag-asa na magmahal muli sa taong alam kong walang sabit.

Hindi na mabubura ang dating pagsasama,

pero paano nga kung sobrang gulo na?

Sana ay maging malinaw na dahil pagod na akong umasa.

Kung siya ang para sa akin, huwag mo na siyang kunin.

Pero, kung iba ang inilaan para sa akin, huwag mo

siyang hahayaang maging parte ng aking buhay dahil

hindi ko kakayanin kapag iba na ang kanyang mahal.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page