Natauhan na after lokohin at ipagpalit sa ibang babae... ANDREA, HINDING-HINDI NA BABALIKAN SI SEF
- BULGAR

- Mar 3, 2019
- 1 min read

Walang forever. Ito ang na-realize ng seksing si Andrea Torres at young comic na si Sef Cadayona na mahigit apat na taong naging sweethearts.
According to a friend of Andeng, naging stormy ang kaganapan nang mapatunayan ng dalaga na may ibang pinopormahan ang BF. Naimbiyerna naman daw si Sef sa sobrang pagiging selosa ng GF.
Lately, however, ay sinabi ni Andrea na after two years na single siya’y handa nang umibig muli. May chance bang magkasundo sila ni Sef?
“We have forgotten and forgiven. Happy kami as friends. Tama na ‘yun,” Andeng said.
Sa teyping ng Bubble Gang kung saan parehong regular cast ang uncouple ay nakausap namin si Sef.
“Kung kami talaga, magiging kami,” sabi ng pogi with conviction.
Samantala, sa BG last Friday night, marami ang pumuri sa parody video ng popular Pinoy song na Oo na pinasikat ng UP Dharma Down na ang lyrics ay tungkol sa isang kalan.
Kikay na kasambahay naman si Lovely Abella na feelingerang talo niya sa pormahan ang kanyang amo sa Diary ni Marjorie.
‘Kaaliw din si Betong as a funeral car driver na dalawang kabaong ang sakay na sabay ililibing sa segment na Grey B.
Epektibong political strategist naman si Boy2 Quizon sa Pulitikong Pang-masa ng kandidatong si Betong.





Comments