Kaya para sa mga gustong kumita riyan ngayong bakasyon, read n‘yo ‘to! 5 NEGOSYO NA PATOK NGAYONG SU
- Donna Thea Topacio
- Mar 3, 2019
- 1 min read

KAUNTING push na lang, mga beshy at bakasyon na! Pero, wait, bukod sa paggastos, dapat kumikita rin tayo ngayong summer. Kaya naman narito ang 5 negosyo na tiyak na papatok sa panlasa nating lahat:
1. SELLING COLD DRINKS OR FOOD. Ahhhh! Sarap, ‘di ba? ‘Yung mapapawi ‘yung init na nararamdaman mo dahil sa malamig na malamig na shake, ice candy, ice cream at marami pang iba.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, i-crash n’yo na ‘yung yelo, tunaw na, oh? Joke! Ha-ha-ha!
2. SELLING SWIMSUIT. Of course, mawawala pa ba ito, eh, ito ‘yung highlight ng summer. ‘Yung halos lahat ng mga tao, eh, nagtinda na ng swimsuit dahil alam nila na patok ito at maraming bibili dahil kaliwa’t kanan ang swimming ng pamilya at barkada. Ang saya-saya talaga kapag summer! He-he-he!
3. RENTING RESTHOUSE WITH POOL. Kung may kaya kayo sa buhay at mayroon kayong rest- house sa probinsiya o lugar kung saan maraming nagsu-swimming, tiyak na maraming magpi-PM sa inyo para magpa-reserve. Bongga!
4. RENTING VAN/CAR. Siyempre, kung may lakad ang barkada at walang kotse ang kahit isa sa inyo, matik na magrerenta kayo ng sasakyan, kaya ito ang the best na business! Okie?
5. TRAVEL AGENCY. Para ito sa mga taong gusto ng pangmatagalang negosyo na hindi nalalaos, pero mas lalong patok tuwing bakasyon.
Kapag nagtayo kayo ng travel agency, tiyak na kikita talaga kayo ng pera, mga beshy!
Oh, ayan, alam n’yo na, ha? Sobrang dali lang nu’ng iba riyan, lalo na ‘yung pagtitinda ng malalamig tulad ng ice cream, ice candy at halo-halo! Yummers!
Have a sulit at smart vacation, mga beshy! Copy?





Comments