Kaya kahit na diyeta ka, dapat ay kumakain ka pa rin nito, besh! MGA BENEPISYO NG PAGKAIN NG KANIN
- Donna Thea Topacio
- Mar 3, 2019
- 2 min read

KANIN ba kamo? Naku, for sure, gustung-gusto ng mga Pinoy ‘yan, ‘yung tipong kanin sa umaga, tanghali, meryenda at hapunan. Ha-ha-ha! Pero, kidding aside, alam ba ninyong kahit na sinasabi ng iba na nakatataba ang kanin, eh, marami pa rin itong health benefits na maibibigay sa atin? Woah!
Sa pag-aaral, sinabi ng mga eksperto na ang kanin umano ay ang pinakamabisang pinagkukuhanan ng enerhiya ng tao, lalo na ‘yung masisipag at todo-kayod sa trabaho.
Ito ay dahil mayaman ito sa carbohydrates na nagsu-supply ng enerhiya sa ating katawan.
Gayunman, ito rin umano ang mataas sa nutrition value dahil sa taglay nitong mineral tulad ng calcium, iron, thiamin, riboflavin at Vitamin D kung saan ito ay nakabubuti sa puso.
Dagdag pa rito, ang kanin ay nagkokontamina ng antioxidant properties na nagpoprotekta sa puso upang ma-prevent ang pagkakaroon ng heart disease at stroke.
Samantala, kung nangangamba naman kayo na nakadaragdag ito ng timbang, sa ngayon ay marami nang naimbentong bigas na nababagay para sa mga taong nagdidiyeta kabilang dito ang brown rice na epektib umanong panlaban sa cancer at red rice na mababa ang calories.
Maliban pa rito, ang kanin umano ay gluten-free, kaya kung allergic kayo sa protina na nakukuha sa wheat, rye at oats, sure na puwedeng-puwede sa inyo ito.
Ang payo ng mga eksperto, wala umanong masama kung dehins tayo kakain ng kanin, lalo na sa gabi, pero makabubuti kung kakain tayo nito sa umaga at tanghali dahil keri nitong ma-boost ang ating immune system, kumbaga, tulad ng mga panahon sa tuwing nagkakasakit tayo, kinakailangan nating kumain ng kanin para magkaroon tayo ng lakas at gumanda ang ating resistensiya, kaya, alam n’yo na, ha?
Kaya sa mga beshy natin diyan na dehins na kumakain ng kanin dahil palaging tinutuksong mataba, sana ay may natutunan kayo sa artikulong ito. He-he-he!
Have a healthy lifestyle, mga beshy!




Comments