Indian pilot na dinukot ng pakistan, pinalaya na
PINALAYA na ng Pakistan ang Indian pilot na nadakip matapos ang pagpapabagsak sa sinakyan nitong fighter jet sa Kashmir.
Ibinalik sa mga Indian official si Wing Commander Abhinandan Varthaman, alas-9:00 ng gabi (local time), Biyernes sa bahagi ng Wagah-Attari border.
Gayunman, ilang minuto bago ito palayin, sinabi ng piloto sa Pakistani TV na “very impressed” ito sa Pakistan army.
Noong Huwebes, sinabi ni Pakistani Prime Minister Imran Khan na ang pagpapalaya sa naturang piloto ay isa umanong “peace gesture” sa India.
Samantala, ayon kay Indian Prime Minister Narendra Mondi , itinuturing na bayani sa India si Varthaman kung saan ipinagmamalaki ito ng buong bansa sa ipinakita nitong “exemplary courage”.





Comments