DepEd nag-sorry | GRADE 6, MAY GRADUATION

MAKARARANAS pa rin ng graduation ceremony ang mga magtatapos ng Grade 6 ngayong School Year 2018-2019.
Ito ang nakasaad sa bagong memorandum na inilabas ni Education Secretary Leonor Briones na may titulong DepEd Memorandum No. 025, series of 2019 at may petsang March 1.
“This memorandum clarifies that the end of school year rites for Grade 6 completers this School Year 2018-2019 shall be a graduation ceremony, as stated in the attached DepEd Order No.2, series of 2019, issued on February 18, 2019.” bahagi ng nakasaad sa memorandum.
Sinabi pa ni Briones na sa kasalukuyan ay pinag-uusapan pa ng DepEd executive committee kung papalitan na ng moving-up ceremony sa halip na graduation ang mga magtatapos ng Grade 6.
Sakaling maaprubahan, tiniyak ni Briones na agad naman nila itong iaanunsiyo.
Humingi naman ng paumanhin si Briones sa kalituhang idinulot ng kanilang naunang memorandum sa publiko.
Paalala pa ng Dep-Ed na ang mga end-of school-year rites ay dapat na gawin mula Abril 1 pero, hindi lalagpas sa Abril 5.
Dapat din ayon kay Briones na simple lang ang mga graduation at moving up ceremony.





Comments