Bigtime pusher timbog
Pabs Hernandez III
Mar 3, 2019
1 min read
BOHOL—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Montan, Baclayon sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Calvin Laon, nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Laon na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments