23 todas sa engkuwentro
- Jersey Sanchez
- Mar 3, 2019
- 1 min read
NAPATAY ang tinatayang nasa 23 Afghan security forces sa pag-atake ng Taliban sa joint US-Afghan base sa timog-kanlurang bahagi ng Afghanistan.
Ayon kay Ministry of Defense Spokesman Ghafoor Ahmad Jawed, bukod sa mga nasawi ay mayroong 15 iba pang security forces ang nasugatan sa engkuwentro na naganap sa Shorab military base na tumagal ng ilang oras.
Gayunman, mayroong 15 casualties ang naitala sa hanay ng mga bandido.
Kinumpirma ni Omar Zwak, spokesman ng provincial governor ang death toll kung saan idinagdag nito na nagpadala ng pitong suicide bombers ang Taliban na napatay sa sagupaan.
Ang naturang pagsalakay sa Shroab ay kasabay ng pansamantalang pagtigil ng peace talks ng US at Taliban negotiators sa Doha, Qatar.





Comments