top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 sundalo dedo sa mga armado

Pabs Hernandez III
Mar 3, 2019
1 min read

MAGUINDANAO—Dalawang sundalo ng Philippine Army (PA) ang napatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Sambulawan, Datu Salibo sa lalawgang ito.

Kinilala ang mga biktima na sina Pfc. Junard Estribor at Pvt. Nelier Pinto, kapwa nakatalaga sa 57th Infantry Battalion ng PA sa naturang lalawigan.

Nabatid na lulan umano ng kotse ang mga biktima nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page