top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

MOCON, ROOKIE OF THE MONTH NG PBA

Alvin Olivar
Mar 2, 2019
1 min read

ITINANGHAL na PBA Press Corps Rookie of the Month si Javee Mocon para sa buwan ng Pebrero.

Nakuha ni Mocon ang award pagkaraang mag-average ng 5.8 points, 8.0 rebounds, at 1.8 assists sa li­mang laro ng Rain or Shine noong nakaraang buwan. Malaki agad ang naitulong ni Mocon sa kanyang unang conference para sa ElastoPainters.

Sa dalawa sa limang laro na siya ang nasa starting five ay siya ay nanguna sa rebounds para sa koponan. Sa loob din ng limang laro noong nakaraang buwan ay walang talo ang Rain or Shine.

Sa kanyang unang laro sa Pebrero ay nagtala si Mocon ng 18 points, 17 rebounds, at 4 assists para sa Rain or Shine sa kanilang 108-98 panalo kontra defending champion San Miguel.

Tinalo ni Mocon si CJ Perez ng Columbian para sa naturang parangal. Si Perez ang kauna-unahang PBA Press Corps Rookie of the Month matapos magtala ng 15.3 points, 5.7 rebounds, at 1.3 assists para sa Dyip.

Naging kandidato rin sa parangal sina MJ Ayaay ng Alaska, Kris Porter ng NLEX, at Robert Bolick ng NorthPort.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page