top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Shoutout sa mga dehins na-enjoy ang kabataan dahil palaging hindi pinapayagan... 5 REASONS KUNG BAKI

  • Justine Daguno
  • Mar 2, 2019
  • 2 min read

“BAKIT ngayon ka lang, hindi naman ganyan ang oras ng uwi mo, ha?” “Sinong mga kasama mo, bawal magpagabi, okay?

Panigurado, karami­han sa atin ay pamilyar sa mga linyahang ito nina nanay at tatay, agree?

Sa totoo lang, ang ba­wat magulang ay may kani-kan­yang pamama­raan sa pagpa­palaki ng mga anak nila, mayroong “tropa-tro­pa, chill lang”, mayroong “free­dom is yours, gawin mo lahat ng gusto mo” at si­yempre, mayroon ding mga istrik­to, ‘yung tipong lahat ng barkada mo ay gogora na, pero ikaw magnonobena muna bago payagan, ka­loka!

Well, kung iniisip natin na minsan ay sobrang un­rea­sonable ng mga magu­lang natin, think twice, beshy, da­hil narito ang ilang posibleng dahilan kaya strict ang parents mo:

1. YOU’RE STILL NOT CAPABLE OF TA­KING CARE OF YOUR­SELF. ‘Yung simpleng pag­lalaba ng mga damit natin hindi pa natin magawa. ‘Yung sa­nay na tayo na sa pag­gi­sing natin ay may pagkain na kaagad sa lamesa at ka­kain na lang tayo, tapos, kapag papasok sa school o sa trabaho, hindi rin na­tin magawang maghanda ng baon.

‘Yan ang mga dahilan kaya minsan, eh, hindi nila tayo pinapayagang mag-overnight o makitulog sa ibang bahay dahil hindi nila nakikita na kaya na­ting asikasuhin ang ating sarili.

2. YOU’RE STILL CLUELESS ABOUT WHAT TO DO IN CASE OF AN EMER­GENCY. Kapag may trouble, sino ba ang unang dapat tawagan? Kapag kailangan natin ng sak­lolo, pero wala tayong dyo­wa at feeling busy ang friends natin, for sure, pa­rents ang tatawa­gan o tatakbuhan natin.

Kaya kung naririndi na tayo sa paulit-ulit ni­lang pagbibigay ng pa­alala, pwes, ganyan talaga dahil nakikita nilang hin­di pa tayo ganu’n ka-street smart. Okidoki?

3. YOU DON’T SEEM TO HANDLE MONEY WELL YET. Suweldo na, gusto ko ng ganito, gusto ko ng gan­yan, so, what, eh, “sahod” ko na­man ito? Days later, kapag naubos na ‘yung “sahod” mo, eh, bigla na ta­yong ‘ma, baka may ex­tra, ka? LOL!

Nakikita nila na im­pul­sive tayo sa paghawak ng pera, kaya palagi ta­yong na­pagsasabihan, kaya dapat maging wais tayo sa pag­gastos, iwa­san natin ‘yung, ‘ika nga, not worth to buy na mga gamit.

4. YOU STILL DE­PEND ON THEM FOR EVERY SINGLE THING. ‘Yung tipong sarili nating gamit, pero hindi natin alam kung saan nakala­gay, kaya sisigaw tayo kay mama kung nasaan ‘yun. Isa pa, kapag may kaila­ngan tayong asikasuhin ay magpapasama pa tayo para gawin ‘yun. Ang mga simpleng bagay na ‘yan ay dahilan para makita nilang hindi pa tayo inde­pendent. Okay?

5. YOU’RE BRAT­TY WHEN YOU DON’T GET WHAT YOU WANT. Ikaw ba ‘yung tipo ng tao na kapag hindi nakuha ‘yung gus­to, mag­dadabog o maga­galit? Mahirap ‘yan dahil hindi lahat ng gusto ay maku­kuha natin at hindi lahat ay meant na ibigay sa atin.

So, iwasan natin ang pagiging brat dahil isa ‘yan sa mga da­hilan kaya nagiging istrikto ang pa­rents natin dahil iisipin nilang kung ganyan tayo sa bahay, paano pa kapag inde­pendent living o ibang tao na ang kasama natin sa buhay? Ganern!

Ang pagiging istrikto ng mga magulang ay hin­di na­ngangahulugang wala na si­lang tiwala sa atin, nauuna lang nilang isipin ang ating kapaka­nan.

May tiwala sila sa atin, pero sa mga taong naka­pa­­ligid sa atin, du’n sila mada­las na walang tiwala, kaya dapat ipakita natin sa kanila na keri na nating gawin ang mga bagay-bagay nang mag-isa.

Gets mo?

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page