Nakilala lang sa beach… GLAIZA, AFAM ANG BAGONG BF


MASAYA ang puso at may love life ngayon ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro. Isang Irish guy ang mapalad na nakabihag sa puso ni Glaiza.
Nakilala niya ang kanyang special guy na si David nang mag-surfing siya sa Siargao. Isang musikero, pero mahilig mag-surfing ang foreigner na BF ng aktres.
At okay lang sa kanya ang setup nilang LDR (long distance relationship). Keri naman daw ni Glaiza kahit na madalang silang magkita ng BF.
Marami naman siyang pinagkakaabalahang bagay, tulad ng pag-aasikaso sa kanilang itinayong negosyo, ang Galura Travel Agency at Casa Galura. Ang bahay na binili ni Glaiza sa Baler, Aurora ay pinaparentahan nila ang ilang rooms (transient house).
Sey nga ni Glaiza, ang Casa Galura ay katas ng nagtapos niyang seryeng Contessa kung saan nakasama niya si Gabby Eigenmann. Sobrang pagod at hirap ang inabot noon ni Glaiza sa Contessa pero sulit naman dahil may kinapuntahan ang kinita niya sa nasabing serye!





Comments