Most wanted dedbol sa shootout
MAGUINDANAO—Isang most wanted criminal ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Meti, Datu Blah sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Tinte Mangarin, umano’y miyembro ng MILF-Lost Command at residente ng nasabing bayan.
Nabatid na darakpin sana ng pulisya si Mangarin kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong attempted murder, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments