top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

HOROSCOPE | MARSO 2, 2019 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 2, 2019 (Sabado): Napa­ka­lakas ng iyong pandama. Masasagap mo ang mang­yayari sa iyong kinabu­kasan. Ito ang hiwaga ng araw na ito ng iyong pag­silang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Itago mo muna ang ibang bagay. Ang tutukan mo ngayon ay ang may kaugnayan sa iyong kaligayahan. Ang araw na ito at ilang araw pang darating ay para sa iyong puso at damdamin. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lot­to-8-10-13-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Higit ka­ilanman, nga­yon ka dapat maging mahina­hon at magkaroon ng malawak na pang-unawa. Paking­gan mo ang opinyon at panukala ng malalapit sa iyo. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-2-19-21-28-35-43.

GEMINI (May 21- June 20) - Magda­han-dahan ka lang. Ka­pag marahan ang pag­kilos, mas tumatalas ang isip kung saan nakabu­buo ito ng mabilisang pla­no na mas kailangan sa sitwasyon. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-27-30-35-41.

CANCER (June 21- July 22) - Hawa­kan mo ang nasa iyo na. Ipakita mong pinahahala­gahan mo ang mga biya­yang ka­loob ng langit. Ito ang susi nang sa gayun ay mas lalo pang gumanda ang iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-19-22-28-39-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lu­mapit ka sa taong ma­gan­da ang ugali at pino kung ku­mi­los. Ma­­laki ang mai­tutu­long niya sa pagsa­sa­ayos ng mga mali sa iyong bu­hay. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Ma­su­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-24-26-37-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magdagdag ka ng kaala­man. Oo, ma­rami kang alam, pero ang mga makabagong sistema ay mabilis na napapalitan at naluluma ang kasalu­ku­yang umiiral. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-25-31-33-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maghanap ng ibang liba­ngan. Kung may makita ka man, hindi ito makaga­ganda sa iyo para sa kasalukuyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-28-31-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdag na kaluwa­gan ang mapa­sa­saiyo ngayon at sa dara­ting pang mga araw. Malu­wag mo ring magagawa at madali mong matatapos ang noon mo pang naiisip na proyekto. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-21-29-39-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang pili­in mo. Kapag mas mara­mi kang matatapos, mas mabuti, kaya umiwas ka muna sa mga masasali­mu­ot na sistema. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-17-21-28-30-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magba­was ka dahil ang mga ba­gong magagandang kapa­laran ay magsisipasok sa buhay mo kapag nagka­roon ka ng espasyo para sa kanila. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-12-20-34-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pahira­pan ang iyong sarili. Mali kung sobra kang nagsasakripisyo dahil higit kailanman o kaninu­man da­pat ay mas mahal ng tao ang kanyang sarili. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-18-23-34-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Papabor sa iyong mga pla­no ang araw na ito. Pero, kung wala kang plano, walang ma­gandang mangyayari sa buhay mo. Kaya unahin mo muna ang pagpa­plano. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-15-24-31-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page