top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aktor, grabe raw kung magbigay… YUL, FEELING SUWERTE NA MAY PIOLO SIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2019
  • 3 min read

SADYANG malapit ang puso ni Yul Servo sa mga taga-showbiz, especially sa mga entertainment writers. Halos lahat ng manunulat sa showbiz ay ‘di lang basta kilala ni Yul kundi naging malapit pa sa kanya. ‘Di kasi siya namimili o nagtatangi ng iilan lang.

Malaking bahagi nito ang yumao niyang mentor and manager na si Direk Maryo J. delos Reyes. Nag-uumpisa pa lang sa showbiz si Yul noon, eh, talaga namang inilapit na ni Direk Maryo ang aktor sa mga showbiz writers.

Una kaming ipinakilala nang pormal ni Direk Maryo kay Yul sa isang pocket interview sa Shangri-La Makati. Noon pa man ay very charming na si Yul at masarap kausap na nadala niya sa pagpasok niya sa pulitika.

Aminado si Yul na mas hirap siya ngayon kesa nu’ng unang tumakbo siya for the first time bilang congressman sa 3rd District ng Maynila.

“Kasi nu’ng last time na tumakbo ako, hindi naman ako congressman, councilor ako noon. Ngayong congressman ako, medyo mahirap. Kasi kung hindi ko pinag­buti­han, puwede akong matalo. Kapag natalo ako, may problema ako. Kaya ngayon, talagang may pressure ang pagtakbo ko, na hindi rin naman basta-basta ‘yung ano ko (kalaban niya), naka-graduate rin,” paliwanag ni Cong. Yul.

Sa kabila ng namamayagpag na career niya sa pulitika, pinili pa rin ni Cong. Yul na mag-celebrate ng kanyang birthday with the entertainment press.

“Dati, ‘pag birthday ko, nagpupunta ako sa mga orphanage, ospital. Saka kasi, dati, ang ginagawa ko, ‘pag birthday ko, may entertainment. Sabi ko, kung mag-iimbita ka ng kakanta, may stage, may mga ano, pera rin, eh. Eh, di mas ibigay ko na lang nang direkta.

Pero actually, eto lang ang ano ko, gusto kong mag-celebrate kasama kayo,” ngiti niya.

Nu’ng nakaraang birthday niya last February 22, umaga pa lang ay busy na siya. Inasikaso niya ang mga medical at financial assistance ng mga taga-District 3 ng Maynila. Wala pa raw kasi ang DSWD noon.

“Ginawa ko, ako ‘yung social worker, ako ‘yung DSWD, ako ‘yung taga-interview, ako ‘yung taga-bigay. Sa office ko tuwing Thursday ko ginagawa. Eh, nagkataon na Thursday ang birthday ko. Pagkatapos noon, umikot ako. Puro charity work ‘yung ginawa ko hanggang gabi.”

Nilinaw naman ni Cong. Yul na hindi nag-i-sponsor sa birthday niya ang actor na si Piolo Pascual. Bagkus, nagpe-pledge raw ito sa distrito niya kapag birthday ng aktor.

“Taun-taon, ginagawa niya, dalawang beses, birthday niya at Christmas. Nag-request siya na sana raw, ‘yung mga walang cellphone, ‘yung talagang mahi­hirap. Kasi raw, sabi niya, nu’ng nag-ano raw siya, parang picture-picture, (tapos) mga naka-iPhone pa ‘yung mga nandu’n. Ang gusto niya, ‘yung talagang mahihirap,” kuwento niya.

Dagdag pa ni Cong. Yul, “Eh, ilalaban ko talaga ‘yung mga kapuspalad natin sa distrito na tuwang-tuwa na natulungan niya. Nakakakita pa sila ng artista. Tapos, parang bumaba pa ‘yung A.S.A.P.. Talagang nagpa-concert pa siya ru’n. Ang suwerte-suwerte ko.”

Kahit magkaibigan at magkumpare sila, nilinaw din ni Yul na walang ibinibigay si Piolo sa kanya tuwing tumatakbo siya.

“Nu’ng unang takbo ko, tinulungan niya ako nu’ng tumakbo ako na konsehal.”

Hindi rin daw niya ini-encourage si Piolo to run in public office. Tingin niya kasi, mas mahal ni Piolo ang pag-aartista at mga inaasikasong businesses nito.

“Actually, dati narinig ko ‘yan, gusto niya mag-mayor. Nangarap na (tumakbo)… sa Pasig. Siya ang nagsabi na gusto niya. Nu’ng nag-ano kami sa Sa Puso ko Iingatan Ka, matagal na ‘yun. Tapos ngayon, may nag-o-offer na siguro sa kanya dahil mas malupit siya, ‘di ba?” lahad pa ni Yul.

Pero dahil mas enjoy na nga raw ngayon si Papa P. sa showbiz, kinalimutan na nito ang ambisyon sa pulitika.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page