6 patay sa gumuhong minahan, 40 nawawala
Jersey Sanchez
Mar 2, 2019
1 min read
ANIM katao ang kumpirmadong nasawi sa gumuhong minahan ng ginto sa Indonesia.
Ayon sa opisyal mula sa North Sulawesi na si Abdul Muin Paputungan, 19 katao ang nasagip ng mga rescuer habang 40 iba pa ang patuloy na hinahanap.
Gayunman, ayon sa national disaster agency, hindi bababa sa 140 katao mula sa iba’t ibang ahensiya ang tumulong sa rescue operation.
Nawasak ang beams at supporting boards sa naturang minahan dahil sa malaking bilang ng mining holes.





Comments