top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Wa' raw 'K' maging judge, pinalagan… RESBAK NI VICE: IDOL PHILS. MISMO ANG PUMILI SA AK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 1, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MARAMI ang umalma sa 4 na judges para sa bagong talent search na Idol Philippines na kinabibilangan nina Asia’s Songbird Regine Velasquez, Unkabo­gable Star Vice Ganda, James Reid at Moira dela Torre.

Sikat na sikat na kung tutuusin ang Kapamilya host na si Vice Ganda dahil sa kanyang mga hit songs, sold-out concerts at mga blockbuster movies na ipi­napalabas tuwing Metro Manila Film Festival, pero sa kabila nito ay marami pa rin ang tumututol sa kanya bilang judge ng Idol Philippines na franchise mula sa American talent search na Ame­rican Idol.

Sa apat na panel of judges ng Idol Philippines, si Vice lang ang may experience sa pagiging hurado dahil naging judge na siya sa Pinoy Boyband Superstar at dalawang seasons ng Pilipinas Got Talent.

Kahit marami ang umaalma na wala namang credibility si Vice Ganda para maging hurado sa Idol Philippines, iki­nuwento niya sa ABS-CBN reporter na si Mario Dumaual na siya ay personal handpicked ng franchise para maging hurado sa nasabing talent search.

Aniya, “Natutuwa ako na natatawa kasi lagi akong personal pick ng franchise.

“Kasi ‘pag nanonood ‘yung franchise kung sino ‘yung mga possible judges, ‘pag nakikita ‘yung ibang shows kung paano ako nag-judge, laging ako ‘yung ginaga­wa nilang example. Nakakatuwa naman na nagugustuhan nila kung paano ako mag-judge.”

Dagdag pa niya, “Sabi ko, ‘Sure kayo d’yan?’ Tapos, noong sinabi sa ‘kin ng management, ‘Gusto ka ng franchise,’ sabi ko, ‘Wow! Franchise tala­ga?’”

Sa kabila ng pagiging recording artist, isang rason kung bakit tila ayaw niyang pumayag noong una na ma­ging hurado ay dahil hindi siya kilala bilang singer.

Pero na-convince rin siya ng mga producers dahil ang isa sa mga original judges ng American Idol na si British starmaker Simon Cowell ay hindi rin naman kuma­kanta.

Kaya ang sey niya at advice na rin sa first time judge na si Moira dela Torre, “Kahit ano’ng sabihin natin, maaaring magustuhan nila o hindi, so might as well judge from our hearts. Kung ano ‘yung sinasabi ng puso natin, ‘yun na ang sabihin natin, huwag na tayo mang-etchos.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page