Pinahaba na, OA pa… SERYE NINA ECHO, YAM, SAM AT YEN, PINAIIKOT ANG MADLANG PIPOL
- BULGAR

- Mar 1, 2019
- 1 min read

LATE na kaming natulog the other night as we were waiting for the screening of Halik. Biglang tumawag ang friend naming si France, a teacher of San Isidro Elementary School in Antipolo.
Asked nito, “Nanonood ka ba ng Halik, ate?”
We said yes. Comment kaagad nito, “‘Di ka ba naiinis kay Jade (Yam Concepcion)? Ang arte-arte! ‘Di naman ganyan nu’ng nag-post-partum ako.
“Nilandi niya si Lino (Jericho Rosales), tapos ito pa ang ginawa niya, ang ilayo si CJ (baby nila) matapos maging mabait sa kanya ito all throughout kahit na siya ang may kasalanan sa lahat.
“At tapos ngayon, naglayas na nga, hihingi pa ng tulong kay Ace (Sam Milby). Gusto kong katukin sa ulo ang loka-loka.
“At heto naman si Lino, mukhang mapa-fall na rin uli kay Jade. Kawawa si Jackie (Yen Santos) na mukhang nai-in love na rin kay Lino. Sana, silang dalawa na lang ni Daniel Matsunaga.”
Sabi namin kay France, “Pareho tayong nababaliw sa pagsubaybay sa Halik kahit alam naman nating kathang-isip lang ito. Sige, matulog na lang tayo kesa mainis pa lalo sa twist ng story.”





Comments