Kailangan daw na baguhin mo ang iyong pagkatao... KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGTATABOY NG KAMALASAN
- BULGAR

- Mar 1, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan ng email ni Vangie ng Vangie_Blackbeauty@facebook.com
Sa iyo Vangie,
Noong nakaraan ay ibinahagi natin kung paano matutukoy ang mga pekeng manghuhula, partikular na ang mga scammer.
Ang pagtutuunan natin ng pansin ngayon ay kung paano mawawala ang mga kamalasan o mga negatibong puwersa na naghahari sa tao.
Ganito ang sabi, “mali bang ipanganak ang tao kahit siya ay hindi maliligtas?” Sa biglang tingin, ang nasa itaas ay panrelihiyong katotohanan,pero sa malalim na pag-aaral ito ay maibabase sa mismong buhay na nararansan ng tao.
Ganito naman ang sabi ng mga doktor, “mali bang alisin mo ang paninigarilyo kahit hindi ka mawawalan ng ubo?” Dagdag pa, “huwag kang uminom ng alak dahil kung hindi mo aalisin ang alak sa buhay mo, iiksi ang buhay mo.”
Ibig sabihin, simple lang ang kailangan ng taong minamalas, siya ay dapat nang magbago dahil kung hindi siya magbabago, magpapatuloy ang kanyang kamalasan, kumbaga, dapat ang tao ay maging bagong tao.
Dahil dito, Vangie, suriin mo ang buhay mo kung may kailangan ka bang alisin dito? Kung may nakita kang mali, magbago ka na. Kung may nakita kang kahinaan, alisin mo ang iyong kahinaan. Kung sakaling bigo ka pa rin na magkaroon ng bagong katauhan, narito ang ilang rekomendasyon na may kaugnayan sa nasabing problema:
1. Kapag minamalas ang tao, kailangang umuwi siya sa bayan na kanyang sinilangan.
2. Sa biglang tingin, parang wala naman itong kaugnayan sa suwerte at kamalasan, pero ang nakaranas na ng mga pangit na buhay ay nagsasabing sila ay umuwi sa kanilang probinsiya, nakadama ng kakaibang saya at ligaya o parang nanariwa ang kanilang kapalaran.
3. Ito mismo, ang nangyayari sa OFWs na sa bawat pag-uwi nila ay nakadarama sila ng bagong sigla at ang lakas nila ay masasabing nasa todong-lakas kung saan muli silang magiging handang makipagsapalaran.
4. Paano kung ang tao ay wala namang probinsiya na uuwian? Siya ay dapat na pumunta kung nasaan ang kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak, anak at mga dating kaibigan.
5. Huwag nilang kalilimutan ang mahiwagang power ng yakap. Subukan mo ito dahil wala namang mawawala sa iyo. Ang totoo nga, tulad ng nasabi na, magkakaroon ka pa ng bagong lakas at ang kapalaran mo ay mananariwa dahil ikaw ay muling magiging bagong tao. Good luck and God bless!




Comments