HOROSCOPE | MARSO 1, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 1, 2019 (Biyernes): Pagpapalain ka at ang pagpapala para sa iyo ay mamanahin pa ng iyong mga kaapu-apuhan. Ito mismo ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ng iyong damdamin, pero ikaw ay bubuwenasin dahil nakamasid sa iyo ang langit. Gagantimpalaan ka sa ipakikita mong awa sa iyong kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-26-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mamumuhunan ka ngayon ng kabaitan at kabutihang-loob sa mga nasa paligid mo. Higit pa sa kinikita ng negosyong maganda ang mga biyayang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-14-23-39-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang hihinto nang dahil lang sa nadaya ka. Lahat ay maaaring malamangan sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-26-35-44-45.
CANCER (June 21- July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ang mga kagustuhan mo ay makikitang nabibigyang-daan at ang mga kontrabida sa buhay mo ay aani ng kamalasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-21-22-25-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang maniwala sa mga sabi-sabi. Mag-obserba ka bago ka magdesisyon. Sapat ang kakayahan ng iyong isip para matimbang mo ang mga pangyayaring malalaman mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-12-21-28-30-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napapahamak ang walang kontrol sa sarili habang ang may disiplina sa katawan ay nakaiiwas sa panganib ng karamdaman sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-23-37-40-42-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kunin mo ang sapat para sa iyo ngayon. Huwag kang tumulad sa iba sa kanilang pagiging gahaman. Nanonood ang langit at ang pinapaboran Niya ay ang hindi mapaghangad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-15-26-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Aalalayan ka ngayon ng nasa itaas, kaya wala kang dapat ipag-alala. Kahit malalaki at sobrang dami ng mga pagsubok sa iyong buhay, ikaw pa rin ang mananalo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-13-15-23-31-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makikita ng mga mata mo na totoo palang nahuhulog ang mga bituin dahil ang mga mayayabang ay magsisibagsak. Huwag mo silang tutularan kahit kailan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-16-21-27-34-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ang mga kalaban mo, kaya ikaw ang mananalo sa mga isyung kinahaharap mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-13-27-35-41-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mababago ang takbo ng buhay mo. Hindi ka puwedeng manatili nang matagal sa paulit-ulit na takbo ng bawat araw na hindi ka sumasaya. Ito ang sikreto sa pagsasaayos ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-21-22-26-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa mga kaibigan mo ang iyong mga suwerte, kaya kahit ang kinaiinisan mong mga kaibigan ay pakitaan mo pa rin ng maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-13-22-40-43.




Comments