Gumanti sa airstrike | 2 FIGHTER JETS NG INDIA, PINABAGSAK NG PAKISTAN
DALAWANG Indian fighter jets ang pinabagsak ng Pakistan sa Kashmir Region.
Ito ang kinumpirma ng India kung saan isang fighter jet lang ang tuluyang bumagsak at gumanti sila sa pamamagitan ng pagpapabagsak naman sa isang fighter jet ng Pakistan.
Gayunman, ang pagpapabagsak sa dalawang fighter jets ng India ay pagganti umano ng Pakistan sa inilunsad na airstrike ng India sa kanilang teritoryo.
Ayon kay Pakistani’s Chief Military Spokesperson Maj. Gen. Asif Ghafoor, dalawang Indian pilots ang kanilang inaresto matapos bumagsak ang kanilang eroplano sa Kashmir.
Matatandaang, 1947 nang nagsimulang mag-agawan ang India at Pakistan sa Kashmir Region.





Comments