top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

For sure raw na may darating pang better, ‘teh! BABAENG PINAPAYUHANG HUWAG NG MAKIPAGBALIKAN SA EX-B

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Nag-break kami ng boyfriend ko noong January dahil bukod sa akin ay may iba pa pala siyang girlfriend at inamin lang niya ito sa akin nu’ng mabisto ko siya.

  2. Ang ikinagulat ko, sabi niya sa akin, mas una pa raw sa akin ‘yung girlfriend niyang ‘yun. Ibig sabihin, matagal na pala niya akong niloloko. Kaya nang aminin niya sa akin ‘yun ay galit na galit ako at nakipaghiwalay agad ako sa kanya.

  3. Ang prob­le­­ma, mula ng ma­wala siya, hindi ko pala kayang mag-isa. Nasanay kasi ako na palagi ko siyang kasama, kaya ngayon ay balak kong makipag­balikan sa kanya.

  4. Tama ba ang naiisip kong ito, Maestro, ang ipag­laban ang pag-ibig ko sa kanya kaysa palagi akong umiiyak, malungkot at nag-iisa?

KASAGUTAN

  1. Huwag kang desperada, Ms. Aqua Blue, dahil alam mo namang dalawa kayo sa buhay ng ex-boyfriend mo na balak mong makipagbalikan.

  2. Bakit siya na lang ba ang natitirang lalaki sa mundo? Hindi naman, ‘di ba? Oo, marami pang lalaki at pag-ibig na darating sa iyo na mas ka-compatible mo, tapat at mag­pa­paligaya sa iyo, habambuhay.

  3. Samantala, mas mainam na kalimutan mo na ang iyong ilusyon na makipagbalikan sa ex-boyfriend mong two-timer dahil kung babalikan mo siya, mas lalo ka lang mahihirapan at magdurusa. Ito ang nais sabihin ng nabiyak at nagulong gitnang bahagi ng iyong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Ibig sabihin, kung pagtitiisan mo ang boyfriend mong may iba ng girlfriend at makikisali ka sa relasyon nila, lalo lang masisira ang buhay-pag-ibig mo dahil sa bandang huli, kapag nagpasya na siyang magpakasal at mag-asawa, ang pinakamalungkot na senaryong mararanasan mo kung saan hindi ikaw ang pipiliin niyang mapangasawa.

  5. Kaya, tulad ng nasabi na, kung may natitira pang da­ngal at katinuan sa iyong isipan, mas mabuti na ngayon pa lang ay pagtiisan at hayaan mo nang mawala sa buhay mo ang manlolokong boyfriend mo.

Nangyari ito dahil kapag hinayaan mo siyang mawala, sa ganyang paraan lamang, ma­ka­hahanap ka pa ng bagong pag-ibig na magbibigay sa iyo ng masaya at pangha­bam­buhay na ligaya na hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kaya, ayon sa iyong mga datos, Ms. Aqua Blue, okay lang na tuluyang mawala sa buhay mo ang babaero mong boyfriend.

  2. Matapos siyang mawala nang tuluyan sa buhay mo, tiyak ang magaganap ngayong taon, sa buwan ng Setyembre, tulad ng nasabi na, muli kang magkaka-boyfriend sa katauhan ng lalaking Libra na makakasama mo sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya (Drawing A. at B. 2-M arrow b).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page