top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alamin mula kay Maestro... MGA BAGAY NA NAKATAKDA SA BUHAY NG MGA KUNEHO NGAYONG YEAR OF THE PIG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 1, 2019
  • 3 min read

ITULOY natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ka­tangian at tinatayang ma­gi­ging sadlakang kapalaran ng animal sign na Rabbit o Kuneho ngayong 2019.

Samantala, kung ikaw ay Kuneho na isinilang noong 1975, lumabas ka ng lipunan at makisalamuha sa mga tao dahil sa ganyang sitwasyon at pangyayari, mas maraming suwerte at magagandang kapalarang darapo sa iyong katawan. ‘Yung dating sigla mo noong nakaraang taong 2018 ay tiyak na madodoble ngayong 2019, ngunit, hindi lamang sigla at lakas ang madodoble kundi pati na rin ang darating na buwenas at suwerte sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

Kung ikaw ay Kuneho na isinilang noong mga taong 1927 at 1987, maraming sorpresa at makukulay na karanasan ang darating sa iyo ngayong 2019, kasama na rin sa iba’t ibang kulay ng kapalaran ang medyo hindi maningning o mapusyaw. Lalong didilim ang buhay mo ngayong taon kung pipilitin mo pang balikan ang nakaraan, kaya ngayong Taon ng mga Baboy, isa lang ang susi upang mapitas mo ang bunga ng maligaya at matagumpay na kapalaran, “mag-move on ka na”. Huwag mo ng balikan ang nakaraan, sa halip, ito ang pa­nahon upang ikaw ay sumugod at sumulong. Kapag sumugod ka na, sabi nga, “no turning back!” Sa ganyang paraan lamang, sumusulong ka nang hindi na tumitingin sa kahapon at hindi naaabala ng nakaraang mga pangyayari, malayo ang iyong mararating kung saan malalaking suwerte at tagumpay ang ipagkakaloob sa iyo ng langit.

Kung ikaw ay Kuneho na isinilang noong mga taong 1939 at 1999, sadyang masaya at magara ang iyong magiging kapalaran ngayong Taon ng mga Baboy, sabi nga, “2019 is a great year for the Earth Rabbit, dotted with adventures, multiple encounters and parties until dawn.” Pero, ang akala mong okay ay magiging magulo kung hindi ka maghihinay-hinay. Alagaan mong mabuti ang iyong kalusugan habang kung marami ka namang pera, matuto kang mag-ipon para sa iyong kinabukasan. Sa ganyaang paraan, tinipid mo ang mga suwerteng dumarating sa iyo, mas marami pang magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit sa susunod na mga taon ng iyong buhay.

Kung ikaw ay Kuneho na isinilang noong mga taong 1951 at 2011, marami kang mga pagpipilian ngayong 2019. Kaya ang iyong ligaya at tagumpay ay nakasalalay kung paano mo ipa-priority ang pagpili, kumbaga, kung gaano ka kahusay pumili, ru’n nakasalalay ang iyong ligaya at tagumpay. Kaya kung sakaling mahaharap ka sa mga maseselang pagde­desisyon, palagi mong isasaalang-alang ang kaligayahan ng iyong pamilya at ng mga mahal mo sa buhay. Pangalawa, palagi mong ipriority o bigyang-halaga ang pag-angat ng inyong kabuhayan. Kaya sa anumang pagdedesisyon na iyong gagawin, tanungin mo munang mabuti ang iyong sarili, “matitiyak ba ang pag-unlad o paglago ng aming kabuhayan, kapag pinasok o itinuloy ko ang ganitong proyekto?”

Kung ikaw ay Kuneho na isinilang noong 1963, panahon na upang magpagawa ka ng bahay o kaya ay magpa-renovate ka ng tirahan. Puwede ring baguhin mo ang iyong plano o kaya ay magpalit ka ng maangas na boyfriend o ng mahaderang girlfriend. Tunay ngang ang lahat ng pagbabago ay maaari mong maranasan ngayong Taon ng mga Baboy sapagkat anumang bago, pati na rin ang bagong style o tabas ng buhok, ang dumating sa buhay mo ay tiyak at walang duda, magdadala ito sa iyo nang bonggang-bonggang suwerte at kakaibang ligaya. Kaya mabisa ring bumili ka ng bagong gamit o kaya ay bagong damit at gamitin o suotin mo ito kaagad upang ang suwerte at magandang kapalaran ay mabilis na dumikit sa iyong katawan. At sa sandaling ang suwerte ay dumikit na sa iyong katawan, umasa kang hindi na ito aalis pa, sa halip, parang contagious disease na nakadikit sa iyong balat na mabilis na dumarami.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page