Mister, inayawan ng madir dahil walang kayod… CRISTINE, MAGPA-FILE NA NG ANNULMENT

Beth Gelena / BULGARY FILES

HINDI man nagsasalita si Cristine Reyes hinggil sa hiwalayan nila ng asawang si Ali Khatibi, hindi na nabawi ni Ara Mina ang kanyang nasabi sa isang interbyu. Kumbaga, nadulas ang aktres, pero hindi na siya nag-elaborate ng kung ano pa man.
But how true na talagang matagal na raw hiwalay ang mag-asawa? Ang dahilan umano ay hindi pabor ang ina ni Cristine sa martial arts expert husband niya dahil wala itong permanenteng trabaho.
Ayon pa sa nasagap naming balita, pinag-iisipan na rin daw ni Cristine ang pagpa-file ng legal separation o ng annulment.
Sa ngayon, busy ang actress sa teleseryeng ginagawa para sa Kapamilya Network kung saan makakasama niya ang bagong lipat na Kapuso actor na si Keempee de Leon.





Comments