Mga anak pinatay din | 5 TODAS SA MAG-INA
- Jersey Sanchez
- Feb 28, 2019
- 1 min read
ARESTADO ang mag-ina matapos umanong masangkot sa pagpatay sa lima nilang kaanak sa Pennsylvania.
Kinilala ang mga suspek na sina Shana Decree, 45, at anak nitong si Dominique Decree, 19.
Dahil dito, ang mag-ina ay nahaharap sa limang bilang ng kasong murder at isang kaso ng conspiracy.
Ayon sa mga awtoridad, umamin ang dalawang suspek na may kinalaman sila sa pagpaslang sa mga biktima kabilang ang tatlong anak ni Shana.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Naa’lrah Smith, 25, Damon Decree, Jr., 13, kapwa anak ni Shana; Jamilla Campbell, 42, kapatid ni Shana at ang kambal na anak ni Campbell na sina Imani at Erika Allen, 9.
Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang motibo sa krimen.




Comments