Lola, 15 pa tiklo sa droga

ARESTADO ang isang lola at 15 iba pa sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Taguig at Pasay Cities.
Kinilala ni Taguig City Police Chief Sr. Supt. Alexander Santos ang mga suspek na sina Walter Rosales, 28; Joselyn Sale, 28; Anthony Casis, 35; Jordan Pacer, 34; Edwin Aguinaldo, 31; Arnold Combras, 44; Jose Reyes, 53; Jerry Liwag, 40; Roland Gumanid, 39; Earl James Sarza, 21; Sam Valera, 28; Jericho Narido, 37, at Benjamin Barcelon, 25.
Ayon kay Santos, nahuli ang mga suspek sa Bgy. South Signal, Taguig City, alas-10:30 ng gabi matapos makatanggap ng tip mula sa isang impormante kaugnay sa umano’y iligal na gawain ng mga suspek.
Nakumpiska mula sa mga ito ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.
Arestado naman ng mga kagawad ng Pasay City Police sa isinagawang buy-bust operation ang mga suspek na sina Anjo Esperenza alyas Anjo, 23; Josepho Esperanza, 21, at Gloria Lim, 62, sa Bgy. 51 ng nabanggit na lungsod.
Nakuha mula sa kanila ang limang sachets na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at dalawang sachets ng hinihinalang shabu, isang libong pisong drug money at P100 buy-bust money.





Comments