top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ex-First Sister, naloko raw ni Ipe… RESBAK NG KAMPO NI KRIS: BONG GO, 'WAG IBOTO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / BIDA

Negative ang reaction ng mga netizens sa speech ni senatoriable Bong Go kung saan binanggit niya ang pangalan ni Kris Aquino.

Kahit sabihin pang nagbibiro lang si Bong Go at si Phillip Salvador ang pina­tamaan niya ng kanyang joke, hindi pa rin maganda ang sinabi niyang… “Naloko mo nga si Kris Aquino.”

In fairness kay Phillip, pumalag siya sa birong ‘yun ni Bong Go, pero nangyari na ang lahat, sinaktan niya si Kris at hindi nagustuhan ng karamihan ang para sa kanila’y bad joke nito.

Siguro naman, nababasa ni Bong Go at ng kampo nito ang feedback ng mga netizens na marami ang na-turn-off. Kahit hindi mga supporters ni Kris, hindi rin nagustuhan ang ginawa ni Bong Go, kaya ang payo nila, ‘wag na nitong suportahan ang kandidatura ng senatoriable.

Nabanggit kasi ni Kris sa isa niyang post na susuportahan niya ang senatorial bid ni Bong Go dahil mabait ito sa kanya at tinu­lungan siyang makalabas agad ng airport nang minsang magka-emergency siya habang nasa Indonesia for a TVC shoot.

Post ni Kris: “So much hurt deep in the past few days. I was shown this video while in Japan and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko- panindigan mo na good sport ka... I was doing a #komari on my phone & lumabas ‘yung video... pinanood ko ulit.

“‘Yun ang pagkakamali ko, may black eye nu’ng Friday, napangahan ng Tuesday, tapos nakita ulit na punchline ako sa campaign sortie at pinagtawanan dahil nga “naloko” ako.

“Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO. I have only good words for you pero sana sa paglilingkod n’yo para sa mga Pilipino bilang senador (I know you are a SURE WINNER), sana priority n’yo rin po ang mga kababaihan. Kris Aquino na ‘ko pero madaling gawing “joke” na “naloko” ako ng ama ng panganay ko. Nagtra­baho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family?

“Sorry ha- minalas-nandu’n kasi ‘yung “NALO­KO”... nakadapa na po, nu’ng pinanood ulit at narinig ‘yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo s’ya.”

Nag-comment si Angeline Quinto ng “Bad” and sad to say, naging rason ‘yun para siya’y ma-bash. Joke raw ‘yun ng magkumpare. Marami ang nag-comment sa post na ‘yun ni Kris na pinagsimulan ng diskusyon sa IG page nito.

Samantala, sa isang campaign sortie kahapon (Miyer­kules), nag-sorry na si Bong Go sa naging biro niya.

“Ma’am Kris Aquino, paumanhin po. Kung may nasaktan, nagpapatawa lang kami. Hindi na namin gaga­mitin ang joke na ‘yun,” sabi ng dating SAP.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page