3 tulak na bebot tiklo
ALBAY—Tatlong babaeng drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Pigcale, Legzapi City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Maricel Nalles, Jernalyn Villanueva at Irene Villanueva, pawang nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, 100 gramo ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang tatlong suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments