top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Talo pa sina Maine at Arjo sa pagpapabebe… EDGAR ALLAN AT SHAIRA, BUKING NANG MAGKASAMA SA BORACAY,

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 27, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

Nagtataka kami kina Edgar Allan Guz­man at Shaira Diaz dahil hindi pa rin sila puwedeng mag-post ng picture na magkasama kahit wala nang nagbabawal.

Parehong si Arnold Vegafria na ang manager ng magdyowa kaya kung tutuusin, puwede na silang lumantad at hindi na irason na break na sila.

Pero hindi pa nga rin ‘yun nangyari dahil nang magbakasyon sina Edgar at Shaira sa Boracay, solo picture nila ang kanilang ipinost, kahit pa alam na mag­kasama sila.

Tanong tuloy ng mga reporters, ano ang drama ng dalawa? Tinalo pa raw nila sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na puwede nang magpakuha ng picture na magkasama at ipino-post na nila.

Pareho ring nasa GMA Network sina Edgar at Shaira, pero magkaiba ang tele­serye nila. Si Edgar, nasa cast ng Afternoon Prime na Dragon Lady. Si Shaira naman, kasama sa Love You Two nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page