PULSE MASTERS, SUSUBUKIN;SINO MALAKAS, BOLTS O DYIP?
- Clyde Mariano / ATD
- Feb 27, 2019
- 2 min read

MATAPOS ang dalawang linggong pamamahinga para bigyang daan ang FIBA World Cup qualifying kung saan matagumpay na nakapasok ang ‘Pinas at tinalo ang host Kazakhstan, muling babalik ang mga manlalaro sa kani-kanilang mother teams upang ipagpatuloy ang mainit na labanan sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Puntirya ng solo leader Pulse Fuelmasters ang makabalik sa dati nilang orihinal na puwesto at sumosyo sa nagpapahingang Rain or Shine kontra North Port sa main game ng 7 p.m. matapos ang 4:30 p.m. salpukan ng Meralco at Columbian Dyip.
Sariwa pa rin sa alaala ng Phoenix ang 94-98 kabiguang nilasap sa ROS kung saan nalaglag sila sa second at determinado ang mga bata ni coach Louie Alas na talunin ang mapanganib na North Port at muling makabalik sa unang puwesto. “We will win this game to bounce back on top. I reminded my players to stay focus and put their heart into the game. I also reminded them not to give the enemy leverage to mount offensive,” sabi ni Alas.
Sasandal si Alas sa kanyang mga top gunners sina Calvin Abueva, Matthew Wright, Alex Mallari, LA Revilla, RJ Jazul, Jason Perkins at sina Justin Chua, Dave Marcelo at Dough Kramer na pamamahalaan ang shaded area para hindi maka-penetrate ang Batang Pier sa pangunguna ni playmaker Stanley Pringle.Sina Wright, Abueva, Perkins at Mallari ay uma-average ng double figures at umaasa si coach Alas na muling paninindigan ang kanilang billings. Si Wright ay kasama sa national team na lumahok sa FIBA World Cup at nakahanda ang Filipino-Canadian na muling pamunuan ang opensiba ng Phoenix.
Nakahandang tumulong sa balbasing si Pringle sina Sean Anthony, Jonathan Grey, Moala Tautuaa, Bradwyn Guinto, Joseph Angelo Gabayni, Juan Nicolas Elorde, Ryan Arana at rookie Robert Bolick.Ang North Port ni coach Pido Jarencio ay nasa 5th place sa kartadang 2-2 at kung mananalo ang Batang Pier ay tatabla sa Barangay Ginebra na hawak ang win-loss record 3-2. Lamang at paboritong manalo ang Meralco sa Columbian na lumasap ng sunod-sunod na talo matapos silatin ang defending champion San Miguel Beer. Hawak ng Bolts ang kartadang 2-3 kasosyo ang sister team NLEX Road Warriors.
Ang newly crowned Governor’s Cup champion Magnolia Hotshots ang wala pang panalo sa 12 teams series. Dumanas na tatlong sunod na pagkatalo ang Hotshots sa Talk ‘N Text, SMB, at ROS.





Comments