Pahiwatig na ang mga anak ay magkakaroon ng magandang kinabukasan
- BULGAR

- Feb 27, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Lab ng Lab_ Leiz@facebook.com
Dear Professor,
Ano ang kahulugan ng aking panaginip? Napanaginipan ko na ang dalawa kong anak ay naglalaro sa putikan.
Pagkatapos ay pinaliguan ko silang dalawa at dinala ko sila sa ilog na may dalawang agos, ‘yung isa malinaw at ‘yung isa ay malinaw din, pero maraming mga kahoy.
Naghihintay,
Lab
Sa iyo Lab,
Ganito ang sabi , “from the dust, man was made and to dust, man returns!” Ang tao ay nagmula sa lupa at dito rin ito babagsak. Ito mismo ang sinabi ni God tungkol sa tao.
Pero, ang aktuwal na nangyari ay dumakot ng lupa si God at saka binasa ng tubig, kaya ang lupa ay naging putik at nilagyan ni God ng larawan ang lupa na naging putik at ito ay kawangis mismo ni God at ng tao.
Sa una, akala ng marami ay simpleng-simple lang ang pagkakalikha sa tao, pero ang totoo, ito ay may malalim na kahulugan na dapat ay maunawaan ng lahat at ang sinumang makauunawa nito ay dapat itong isabuhay.
Nakatutuwa at nakapagpapaangat ng moral dahil ang sabi nga ay nilikha ni God ang tao nang naayon sa Kanyang wangis, kaya lang tulad ng nasabi na, kailangan munang maging putik bago makuha ang katotohanang ang Diyos ay ating kawangis.
May ganito ring kasabihan, “ang daan patungo sa ganap na kaligayahan ay hindi makikita sa malinis, maaliwalas at madaling larangan na landas ng buhay.”
Ano ang tunay na daan para magkaroon ng tunay na kaligayahan ang tao? Eh, ano pa nga ba kundi sa daan na kabaligtaran ng “malinis, maaliwalas at madaling lakaran.”
Mahirap man maunawaan at mas lalong mahirap isipin, dapat nating tanggapin na ang tao ay putik lang.
Paano naman nilikha ang mundo? Ganito ang sabi, “ang simula ay kaguluhan na ang naghahari ay kadiliman at ang lahat ay sobrang pangit at walang maganda na kahit na ano.”
Sa ganyang simula, ang “the creation” ay tinatawag ding masterpiece ni God.
Napansin mo ba, iha, na walang maganda sa panaginip mo tungkol sa ginagawa ng anak mo, partikular na ang putik? Tulad ng nasabi na sa itaas, mahirap maunawaan ang laman ng iyong panaginip, kaya sabihin na lang muna natin na sa maniwala ka o hindi, ang panaginip mo ay nagbibigay ng paunang katotohanan sa magiging buhay ng iyong mga anak kung saan ang kanilang buhay ay magiging maganda.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments