top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kung kinakailangan ng consent ng asawa sa pagkuha ng health insurance para sa mga anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 27, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Mayroon akong kaibi­gan na matagal nang nag-aalok sa akin ng health insurance. Ma­tagal bago ko pinag-isipan na kumuha nito hanggang sa napag-isip-isipan kong ku­muha na rin dahil sakitin ang mga anak ko. Ang problema, isinikreto ko ito sa aking asawa dahil baka ang isipin nito ay dagdag-gastos lang ito sa badyet ng pamilya namin. Nais kong ma­laman kung makaaa­pekto ba ito sa kinuha kong insurance poli­cy? — KC

Dear KC,

Para sa inyong ka­ala­man, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 3 ng Republic Act (R.A.) No. 10607 kung saan nakasaad na:

“SEC. 3. xxx.

The consent of the spouse is not necessary for the validity of an insurance policy taken out by a married person on his or her life or that of his or her children. xxx.” (Binigyang-diin)

Samakatwid, hindi kailangan ang consent o ang pagsang-ayon ng inyong asawa sa pag­kuha ninyo ng health insurance policy para sa inyong mga anak. Kaya naman, hindi maaapektuhan ang nasabing policy kahit na hindi ito alam ng inyong asawa.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pag­ka­kaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayro­ong karagdagang impor­masyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page