top of page

'Di lang nakipaglamay sa burol ng BFF… COCO, SINAGOT LAHAT NG GASTOS SA LIBING NI KRISTOFFER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 27, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

BUMISITA noong Lunes (February 25) ang bida ng Ang Probinsyano na si Coco Martin kasama ang Cannes’ Film Festival Director awardee na si Brillante Mendoza sa lamay ng yumaong indie actor na si Kristoffer King.

Nagkasama sina Coco at Kristoffer sa pelikulang Masahista at Serbis na idinirek ni Mendoza.

Ayon sa naiwang misis ni Kristoffer na si Joan Alegre Reyes ay sinagot na raw ni Coco ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing.

Kuwento ni Joan, “Tinatanong na niya ako, ‘Magkano lahat ang babayaran? Ano ang nangyari? Bakit namatay siya? Bakit biglaan?’ Sinabi ko naman lahat-lahat sa kanya. Tapos, sabi niya sa akin, ‘Sige, sagot ko na lahat.’”

Dagdag niya, “Sabi ko sa kanya, ‘Buti, nakaharap kita. Kasi, gusto kong humingi ng tulong sa ‘yo. Kasi alam ko, ‘pag ikaw, isang pitik lang, okay na.’ Sabi niya, ‘Okay na. Sige, ako na.’”

Sa Marso 3 nakatakdang ilibing si Kristoffer sa Manila Memorial Park sa Para­ñaque City.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page